Mga traffic light na 'di 'coordinated' sanhi ng traffic sa ilang lungsod: MMDA

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 01:12 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Mga traffic light na hindi umano "coordinated" ang dahilan ng buhol-buhol na trapik sa ilang bahagi ng Metro Manila, sabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, Biyernes.

"Minsan kasi yung signal ng isang stop light, hindi naka-coordinate sa kabilang stop light kaya nagkaka-traffic," sabi ni Garcia sa isang panayam sa DZMM.

Ayon kay Garcia, "magkakaroon na ng coordination" sa pagitan ng MMDA at mga lokal na pamahalaan ngayong taon upang ayusin ang sistema sa ilang interseksyon.

Paliwanag niya, kailangang ayusin ang timing ng mga traffic light dahil ang ilan sa dito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na pamahalaan habang ang iba naman ay nasa pangangasiwa ng MMDA.

"Merong mga traffic system na itatayo this year, kasama sa budget namin sa 2019," aniya.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang MMDA ukol sa naturang proyekto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.