Higit 140 deboto, nilapatan ng first aid bago ang 'Traslacion'

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2017 11:13 AM | Updated as of Jul 04 2017 04:34 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mahigit 140 deboto na ng Itim na Nazareno ang nangailangan ng first aid bago pa man ang prusisyon ng imahen sa Maynila, Lunes ng umaga.

Karamihan sa mga pasyente ay nahilo, nilagnat o tumaas ang presyon, ayon kay Dr. Virgilio Martin, head ng emergency unit ng Manila Health Department.

"Marami po tayong devotees, lalo na yung pumipila sa Pahalik, may mga karamdaman. Some of them have ongoing infections kaya mas malaki ang chances na dahil sa haba ng pila at nakabilad sila sa maghapon, ay mas lalo silang nagkakasakit," ani Martin.

Ilang deboto rin anya ang nasaktan matapos mabagsakan ng bakal na railing sa Quirino Grandstand bago magsimula ang prusisyong magbabalik sa imahen ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church.

Tatlo sa kanila ay nabalian ng buto habang apat ay hinimatay dahil sa suffocation. Dinala na sila sa Ospital ng Maynila.

Umagang Kay Ganda, 9 Enero 2017