Replica ng Nazareno mabenta na sa labas ng Quiapo Church

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2017 02:06 PM | Updated as of Jun 30 2017 05:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Habang papalapit ang pista ng itim na Nazareno, mas mabenta na sa labas ng Quiapo Church ang mga replica ng poon at iba pang religious items.

Hindi lang pang-display sa bahay, kundi paalala ng kabutihan ng panginoon ang mga replica ng itim na Nazareno na ibinibenta ni Machiko Coloma sa labas ng simbahan.

Mula P50 hanggang P1,200 ang presyo ng mga replica, depende sa laki.

Mabenta rin ang mga Nazareno healing oil sa halagang P20 kada bote.

Bukod sa mga ito, mayroon ding mga keychain, panyo, kuwintas at prayer books na nabendisyunan na.

Ang mga t-shirt na may mukha ng Nazareno naman, nasa P150 pataas. -- Umagang Kay Ganda, Enero 6, 2017