PANOORIN: Parol Festival sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2017 07:38 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tinaguriang "Parol Capital" ng Metro Manila ang Las Piñas.

Sa taunang Parol Festival sa lungsod, natunghayan ang mga dancer na mala-parol ang "outfit of the day" habang sumasayaw.

Bukod sa mga costume na Paskong-Pasko, inirampa rin ng mga mananayaw ang mga kasuotang gawa sa waterlily.

Bigay todo ang street dancers na nagpasiklaban sa pagkendeng.

CHRISTMAS GIFT-GIVING

Dagsa naman ang mga batang Baseco ng Tondo, Maynila para sa bigayan ng regalo sa Tagaytay nitong Linggo.

Bukod sa pagpapasiklab sa mga palaro, nagpakitang-gilas din ang mga talentadong bata.

Mayroong lalong nagpaginaw ng Pasko dahil sa napakalamig niyang boses pang-awit.

May mga bata ring nagpabilib sa kanilang pagsasayaw.

BONGGANG PAILAW

Matutunghayan naman ang iba't ibang engrandeng pailaw sa mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Pasay, at Taguig.

Madalas na laman ng social media ang mga kumukuti-kutitap na Christmas lights sa Makati na tila nakapapawi rin sa inip ng mga motoristang naiipit sa trapiko ngayong Kapaskuhan.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.