'Tatay Habal-Habal,' hinangaan dahil sa sipag, kabaitan sa mga commuter

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 09:09 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hinangaan noon ang habal-habal driver na si Michael Vinuya dahil sa kaniyang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyanteng stranded sa trapik.

Noon, hiling lamang ni Michael sa kaniyang mga pasahero ang kanilang dasal para sa kaniyang anak na noo'y nasa ospital.

Bago maging habal-habal driver, dating security guard din siya at nagsilbi bilang sundalo.

Pinlano niyang magrehistro sa ride-sharing app na Angkas, ngunit hindi siya umabot. Kaya ngayon, umaasa na lamang siya sa pagme-messenger at paghahatid sa mga anak ng mga kakilala.

Sa tulong ng "Rated K," nakatanggap ng maagang aguinaldo ang pamilya ni Michael.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.