Dancesport champions, ibinahagi ang mga pinagdaanan bilang magkasintahan

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 09:11 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Maraming pinagdaanan ang magkasintahang sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen bago nila nakuha ang pinakaaasam na ginto sa 2019 Southeast Asian Games.

Si Gayon, aminadong hindi niya hilig ang pagsasayaw. Sinubukan lamang niya ang ballroom dancing para sa libreng pagkain.

Si Renigen naman, ginamit ang pagsasayaw para matakasan ang mga problema niya sa pamilya.

Nagtagpo ang dalawa dahil sa kanilang pagsasayaw, at dahil na rin madalas silang nagiging magkapareha, nahulog na ang loob ng dalawa sa isa't isa.

Bukod sa mga medalyang kanilang iniuwi para sa bansa, nagpapasalamat ang dalawa sa suportang kanilang nakuha mula sa mga kapwa Filipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.