PH, nasungkit ang world record sa 'pinakamahabang lantern parade'

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2017 07:27 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakasungkit ng Guinness World Record ang Pilipinas sa kategoryang "pinakamalaking pagtitipon para sa isang parada ng pailaw o lantern parade" nitong Setyembre 11. 
    
Sa pagpalo ng metro sa 10,800, naagaw na ng San Jose del Monte City sa Bulacan ang record mula sa Singapore na umabot lamang sa 10,568 noong 2008.

Nauna nang tinangakang agawin ng San Jose del Monte City ang record mula sa Singapore noong Setyembre 9, 2017 ngunit nabigo sila.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.