Gina Lopez, bumirit ng kanta sa 'videoke jeep'

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 10:28 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakagiliwan ni dating Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ang videoke jeep na may libreng wifi at may CCTV pa para sa karagdagang seguridad.

Nagtawag din ng pasahero si Lopez at umalok ng libreng pamasahe kapalit ng pagkanta.

Gimik ni Barangay Kagawad Rudy Avila na kabitan ng videoke ang kanyang jeep para iwas-bagot sa trapiko.

"'Pag kayo nakalimang kanta, libre na ang pamasahe," aniya.

Hindi rin nagpahuli si Lopez at kinanta ang kaniyang "national anthem" na "I believe I can fly".

--Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.