Lalaking may sakit sa balat, napagkamalang aswang

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 11:30 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isang binatang may sakit sa balat ang napapagkamalang aswang ng kanyang mga kapitbahay sa Barangay Badiangan sa bayan ng Banga, Aklan.

Ang sinasabing aswang ay si Antonio Reloj, na may sakit na ichthyosis, o pagkakaroon ng balat na tuyo at makaliskis.

Simula pa pagkabata ay inaalipusta na siya ng mga batang hindi nakakaintindi sa kanyang sakit.

Para mas maintindihan ng mga tao ang kanyang kundisyon, nagdesisyon ang pinsan ni Antonio na si Jesselyn Rebutar na i-post ang kanyang retrato sa Facebook, kung saan ipinaliwanag niya na hindi aswang ang kanyang pinsan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.