KILALANIN: Engineer na nagpasikat ng 'Math Dance Challenge'

ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 10:17 PM | Updated as of May 13 2019 12:26 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patok sa social media ngayon ang tinatawag na "Math Dance Challenge."

Ang grupong Icon X ng Tayabas, Quezon ang isa sa mga nagpasimuno sa nasabing dance challenge.

Isa si Engr. Maezon Abella sa mga unang nakaisip na gawing sayaw ang addition, subtraction, multiplication at division sa mathematics.

Aniya, high school pa niya unang naisip ang dance steps na ito para sa mga kaklase niyang hindi gaanong marunong magsayaw.

Ang kaniyang pagmamahal sa math ang naging daan para magawa niya ang ngayo'y viral na dance craze.

- Rated K, Mayo 12, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.