ASTIG: Pinay wagi sa Google contest

ABS-CBN News

Posted at May 04 2019 01:04 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Wagi ang isang 17 anyos na Pinay sa international competition ng Google para sa mga estudyanteng may kakayahan sa coding, design, at open software.

Sumali si Irish Danielle Morales sa Google Code-In Contest noong Oktubre 2018 kung saan gumawa siya ng research, blog reports, at nag-develop din ng isang educational shooter game.

Pagkatapos ng 7 linggo, hindi inaasahan ni Morales na siya ang mapipili na grand prize winner sa Pilipinas.

Ayon sa ina ni Irish, nag-umpisa noong high school ang interes ng kaniyang anak sa programming at aktibo rin siya sa mga robotics contest.

Isa siya sa 4 na babaeng nanalo sa Google Code-In at isa sa kanilang premyo ay ang pagbisita sa Googleplex sa California, USA kung saan makakasalamuha niya ang mga software engineer at kapuwa winners sa buong mundo. - Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.