PANOORIN: Pasiklaban ng mga 'Binibining Bilbilin,' festival sa Makati, Benguet, at Davao

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 07:25 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Napuno ng hiyawan ang naiibang taunang beauty pageant sa Mandaluyong.

Muli kasing nagtagisan sa angking alindog ang mga kandidata ng "Binibining Bilbilin" 2018.

Kaniya-kaniyang rampa ang mga kandidatang nais tanghaling pinakamagandang "bilbilin" sa lungsod.

CARACOL FESTIVAL

Umangat din ang makukulay na kasuotan at masigabong pagsasayaw ng mga nakiisa sa taunang Caracol Festival sa Makati.

Iba't ibang costume ang ibinida ng mga nagtanghal sa okasyon.

May mga nag-hitsurang isda, bubuyog, at pagong.

Maging ang mga may edad na, hindi rin nagpahuli sa kanilang performance na may temang masquerade.


STRAWBERRY FESTIVAL

Sa La Trinidad, Benguet, hataw naman sa street dancing ang mga nakiisa sa taunang Strawberry Festival.

Nakabihis din ng tradisyunal na kasuotan ang mga nagsayaw.

Mayroon ding pinapatunog na gong na nagbibigay ritmo sa pag-indak.


ARAW NG DABAW

Hindi rin naman nagpahuli ang mga Davaoeño sa paghataw sa kanilang "Yugyugan" party para sa ika-81 Araw ng Dabaw.

Tampok sa street party na hanggang madaling araw ang ang pagbuga ng foam ng mga bumbero sa mga nakikisaya sa okasyon.

-- Ulat ni Marc Logan ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.