Makeup tips gamit ang plantsa, papaya, kutsilyo atbp, patok sa social media

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 11:25 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patok sa social media ang mga kakaibang hair and makeup tips na pinauso ng ilang mga netizen.

Si Jonnie Dionisio na isang hair and makeup artist, gumagamit ng kutsilyo at plantsa ng damit para sa buhok.

Si Connie Teves naman, gumagamit ng sanga ng papaya sa pagkulot ng buhok.

Bagama't gumagana ang mga nasabing tips, payo naman ng dermatologist na huwag itong gagayahin para hindi masira ang balat at buhok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.