Marlo Mortel umiyak sa pagsabak sa pelikulang 'One Great Love'

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2018 11:34 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Proud si Marlo Mortel na mapabilang sa cast ng 2018 MMFF entry na "One Great Love."

Aniya, dream come true ang makatrabaho sina Kim Chiu at JC De Vera sa pelikula.

Sa media conference para sa pelikula, di napigilan balikan ni Marlo ang mga panahon na binubuo nila ang pelikula at ang mga huling sandali na kasama ang kanyang ina.

"May time kasi na iyon na pala ang last day ng mom ko so kinabukasan namatay siya. Hindi ko alam kung dapat ba na nandoon ako sa paghihintay to shoot this film pero kasi nag commit na ako so kahit ganoon ang condition ng mommy ko nandoon ako so first time ko sa set iyak ako ng iyak," aniya.

Pumanaw ang ina ni Mortel noong Agosto matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa breast cancer.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, Disyembre 10, 2018