Maymay Entrata, gaganap bilang cancer patient sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 11:37 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa unang pagkakataon, sasabak sa intense drama ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber para sa episode ng "Maalaala Mo Kaya."

Pagbibidahan nila ang kuwento ng isang cancer patient na gagampanan ni Maymay, at si Edward naman bilang nobyo niya. 

Mapapanood sa darating na Sabado ang "Gab and Max" episode ng "MMK" pagkatapos ng "Your Moment." 

Umagang Kay Ganda, Nobyembre 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.