Leo Martinez, malapit na bang umalis sa 'Ang Probinsyano'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 11:34 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Gabi-gabing kinaiinisan sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" ang karakter ni Leo Martinez na si Kapitan Bart.

Nagkabanggaan sa barangay elections sina Kapitan Bart at Alyana na asawa ng bidang si Cardo Dalisay at pumabor ang elections kay Alyana. 

Pero 'di pa diyan natatapos ang mga hakbang ng character ni Leo.

"Marami ang nag-suggest na magpapadala sila ng flying voters pero ngayon... talo ako doon sa elections eh," ani Leo.

"Waala, wala ng recount! I will have to go with my plan B! Kailangan panoorin nila ang plan B ko!" dagdag niya.

Positibe comment naman ang ibinigay mi Leo kay Coco Martin na tumutulong sa kapwa artista at professional na katrabaho.

"I've worked with Coco even before 'Probinsyano' and I know he is a very competent actor," ani Leo.

Hindi man diretsahan sinagot ni Leo, pero mukhang 'di na magtatagal ang kanyang papel na si Kapitan Bart sa serye.

"The way I'm acting parang I dont know kung ba-bye o... I cannot tell. We are not told anyway pero the way the story is going I'm on the bad side already," ani Leo.

Bagong pelikula at isa pang teleserye ang pinagkakaabalahan ni Leo na isa sa paboritong character actor ng mga manonood. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.