Ion Perez, ikinuwento kung paano siya na-in love kay Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 11:43 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Matapos umamin ni Vice Ganda sa publiko tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez, marami ang na-curious kung paano nagsimula ang kanilang pagtitinginan. 

Sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz, kinuwento ni Ion na hindi niya inaasahan na magkakatuluyan sila ni Vice dahil gusto lang niya na maging magkaibigan sila. 

Dagdag pa ni Ion, na-in love siya kay Vice dahil mabait sa kanya ang "Unkabogable" star. 

Inamin din ni Ion na napag-uusapan nilang magpakasal, pero hindi nila ito minamadali dahil ang mahalaga ay nagkakaintindihan at nagmamahalan sila. 

Umagang Kay Ganda, Nobyembre 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.