Kim Chiu, naghahanda sa mas 'mature' na role sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 10:43 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Bukas sa bagong challenge sa kaniyang career si Kim Chiu tulad ng mas mature na role sa kaniyang bagong pelikula at pagiging host ng “Star Hunt”.

Regular na mapapanood ngayon si Kim Chiu sa nasabing talent reality show sa ABS-CBN.

Bagong challenge ito kay Kim na inaming marami pang dapat matutunan bilang isang host.

“Hindi ko talaga kayang mag-host so happy ako na binigyan ako ng opportunity na ganitong show tapos kasama ko pa yung mga PBB [Pinoy Big Brother] alumni na katulad ko. Masaya, happy, thankful and nai-inspire din kami,” sabi ni Kim.

Malapit sa puso ni Kim ang format ng programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga baguhan na makapasok sa showbiz.

Abala naman si Kim sa bago niyang pelikula kung saan mas mature na ang kaniyang papel.

“Mature drama movie so kakaiba siya for me and kakaiba yung leading man, yung kwento, so isa siyang panibagong offer ko sa mga supporters ko and sa audience ko,” sabi ng aktres.

Kung mature role ang hinahanda ni Kim, pagde-direk naman ng isang Cinemalaya movie ang pinagkakaabalahan ni Xian Lim.

“Magaling si Xian, passionate siya sa lahat ng ginagawa niya. Nakaka-excite kasi nagagawa niya lahat ng gusto niyang gawin,” sabi ni Kim.

Magkahiwalay man sa mga project ngayon, proud pa rin sila sa achievements ng isa't-isa. – Umagang kay Ganda, 11 September 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.