Kim Chiu, umangkas sa motorsiklo para umabot sa All-Star Games practice

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 12:24 PM | Updated as of Aug 22 2019 03:31 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sumakay ng motorsiklo ang aktres na si Kim Chiu para umabot sa kanyang volleyball practice.

Sa Instagram Story ni Kim, ibinahagi niya ang kanyang kalungkutan dahil sa trapik.

Kuwento pa ni Kim, noong mag-check siya sa app, 9 a.m. ang dapat sana'y oras na nasa location na siya. Pero dahil sa trapik, naging 10:30 a.m. ang kanyang exact time of arrival.

Kaya naman nang may dumaang motorsiklo sa gilid ng kanyang sasakyan ay nagka-idea si Kim na umangkas na lang dito.

Umagang Kay Ganda, Agosto 22, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.