'Another answered prayer': Kathryn Bernardo, ipinakita ang bagong ear piercing

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 12:21 PM | Updated as of Aug 22 2019 03:30 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

"Another piercing, another answered prayer."

Ito ang caption ni Kathryn Bernardo sa kanyang latest Instagram post.
 
Sinasabing sa Dubai ipinagawa ni Kathryn ang pinakabago nitong ear piercing.

Matatandaang sa nakaraang panayam sa aktres ay ibinahagi nito na ang bawat piercing ay tanda ng importanteng kaganapan sa kanyang buhay.

Si Kathryn at ang aktor na si Alden Richards ay mga bida ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na hanggang ngayon ay tumatabo pa rin sa takilya.

Umagang Kay Ganda, Agosto 22, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.