Jed Madela at Francis ng TNT Boys, nagdiwang ng kaarawan sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 01:34 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagdiwang ng kanilang kaarawan sa "It's Showtime" si Jed Madela at isa sa miyembro ng TNT Boys na si Francis Concepcion.

Kasama nina Jed at Francis sa opening number ng "It's Showtime" ang BoybandPH, Gidget dela Llana at ang dalawa pang miyembro ng TNT Boys na sina Mackie Empuerto at Keifer Sanchez.

"Birthday wish? Siyempre good health and more opportunities na makatulong lalo na sa mga artist na gustong maging successful sa industriyang ito. 'Yun lang ang pinaka-birthday wish ko. Sa lahat ng mga naging inspirasyon ko, salamat for giving me the strength. And, of course, sa 'Showtime' maraming salamat sa inyong lahat for making me part of the family," ani Jed na isa sa hurado ng "Tawag ng Tanghalan."
 
Para naman kay Francis, ang makauwi sa Zamboanga at makasama ang pamilya ang kanyang hiling. "Kapag may time po," ani Francis.

-- It's Showtime, Hulyo 8, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.