Reunion concert ng bandang Jeremiah, kasado na

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 04:13 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Muling humugot sa pamamagitan ng kanilang pinasikat na awitin ang bandang Jeremiah na nakilala noong dekada '90.

Sa kanilang pagbisita sa "It's Showtime" nitong Miyerkoles, inawit ng banda ang hit nila na "Nanghihinayang."

Kasama rin nilang nag-perform ang grupong Wishful 5.

Bumisita ang Jeremiah para anyayahan ang mga manonood sa kanilang "Jeremiah The Reunion Concet" na gaganapin sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City ngayong Huwebes, Hunyo 6.

Maliban sa "Nanghihinayang," pinasikat din ng Jeremiah ang mga hugot na awiting "Hindi Ako Katulad Niya," "Oh Babe" at "Bakit Ka Iiyak?" 
 
Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng bandang Jeremiah ang kanilang ika-21 anibersaryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.