Mga celebrity babies na 'dream come true' ng kanilang mga pamilya

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2018 11:09 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Itinuturing na "dream come true" nina Kaye Abad, Albert Martinez at Michela Cazzola ang mga bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Panganay na anak ng basketball superstar na si James Yap at Michela Cazzola si Michael James, na itinuturing nilang "dream come true."

Answered prayer naman para sa mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang kanilang anak na si Pio Joaquin. Bagama't hindi naging madali para kay Kaye ang naging pagbubuntis, matagumpay niyang naipanganak si Pio sa araw rin mismo ng birthday ni Paul Jake.

Lubos rin ang ligaya ng first-time lolo na si Albert Martinez nang una niyang makita at makilala ang kanyang apong si Adalynn Riley, anak ng panganay na anak niyang si Alyanna at asawa nitong si Roy Macam.