'Just Love Araw-Araw,' trending sa social media

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2018 07:44 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Naging trending topic ang ABS-CBN summer station ID na "Just Love Araw-Araw" nitong weekend matapos itong ilunsad sa "It's Showtime" nitong Sabado, Abril 14.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging opening number pa ito sa ASAP nitong Linggo.

"Lahat ng panahon ay panahon para magmahal," saad sa panimula ng music video ng "Just Love Araw-Araw."

Love knows no season, ika nga, para sa tunay na pag-ibig na walang halong pag-iimbot.

Wala ring pinipiling edad o estado sa buhay ang tunay na pagmamahalan: Bata man o matanda, mahirap man o mayaman.

Tampok sa music video ang mga batikan at bagitong artistang kinagigiliwan mula umaga hanggang primetime bida, ka-bonding ng bawat pamilya.

Kabilang din sa station ID ang mga pinagkakatiwalaang tagapagbalita.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.