Xian Lim, may new look para sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 12:04 PM | Updated as of Feb 19 2019 12:23 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Mayroong new look si Xian Lim para sa kanyang bagong pelikula.

Sa Instagram, makikita ang aktor na may balbas at bigote.

Sa caption, pinakilala ni Xian ang bago niyang gagampanang karakter na si Joachim sa pelikulang "Untrue."

Nasa Tbilisi, Georgia ngayon si Xian para sa shooting ng thriller-drama.

Marami namang tagahanga ni Xian ang nagsabing bumagay sa kanya ang rugged look.

Makakasama ni Xian sa nasabing pelikula si Cristine Reyes.


 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.