Streetboys, Manoeuvres at UMD, nag-showdown sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 04:23 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagharap sa sayawan nitong Miyerkoles ang kilalang dance groups noong dekada '90 na Streetboys, Manoeuvres at Universal Motion Dancers o UMD sa "It's Showtime."

Kasama sa kanilang dance showdown ang host ng "It's Showtime" at isa sa miyembro ng Streetboys na si Vhong Navarro.

Magsasama-sama ang tatlong grupo sa "90’s Dance Concert: Panahon Ko ‘To" na magaganap sa ABS-CBN Vertis Tent sa darating na Biyernes, Enero 31.
 
Narito ang nakakatuwang hatawan ng tatlong grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.