Callalily, gustong 'manakit' sa bagong single nila na 'Reserba'

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 01:16 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isang bagong awitin ang inilabas ng bandang Callalily.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ng bokalista ng grupo na si Kean Cipriano na ang kanyang record label na OC Records ang nag-release ng bagong single nila na "Reserba." 

"First time ever naming sumulat as banda, as a group. Ito ang lumabas na kanta sa kanya. Parang sabi lang namin sulat tayo ng kanta na maiintindihan ng lahat, 'yung makaka-relate sila at masasaktan sila. Gusto lang naming manakit ng konti," ani Kean.

Ayon kay Kean, malapit nang ilabas ang music video ng "Reserba" kung saan si John Prats ang magdi-direk at si Sam Milby naman ang editor.

"Yung music video nito ay lalabas na siya by the end of the month. Itong music video na ito ay dream collaboration namin ito ni direk John Prats," ani Kean.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.