Iza Calzado, kumasa sa 'profile picture' challenge

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 11:38 AM | Updated as of Jan 24 2020 02:06 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakisali ang aktres na si Iza Calzado sa trending na "profile picture" challenge.

Ang hamon: ipakita ang iba't ibang profile picture ng isang tao base sa kung saang social media account ito ilalagay.

Kasama rito ang LinkedIn, Facebook, Instagram, at Tinder.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Iza ang kanyang iba't ibang look para sa nasabing hamon.

Umagang Kay Ganda, Enero 24, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.