Karamihan sa mga bangko, magsasara mula Abril 13-16

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 12:34 PM | Updated as of Oct 25 2017 06:20 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Magsasara ang karamihan ng mga bangko simula Huwebes Santo, Abril 13, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 16.

Sarado ang lahat ng sangay ng BPI at BPI Family Savings Bank.

Simula Huwebes hanggang Sabado de Gloria, sarado ang BDO at Security Bank maliban sa branches ng Security Bank sa loob ng NAIA na bukas sa Abril 15-16 mula 11AM-7PM para sa mga customer na may terminal passes.

Sarado rin ang PS Bank ng Huwebes at Biyernes.

Sa Metrobank naman, may ilang piling sangay lang na magbubukas mula Abril 13-16. Maaaring masilip sa kanilang website kung anong mga branches ang magbubukas.

Samantala, balik normal na ang operasyon ng mga bangko sa Lunes. - Umagang Kay Ganda, Abril 10, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.