Babae nanganak sa police car sa Cebu

Joworski Alipon, ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2018 07:01 PM

Kuha ng Mandaue City Police Station 3

Nagviral sa social media ang retrato ng isang babaeng nangangak sa loob ng isang police vehicle sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Lunes.

Humingi ng saklolo ang babae at ang asawa nito sa police station para magpahatid sa ospital, ayon kay Josie Tejano, crime registrar ng Mandaue City Police Station 3.

Gumamit na ng sirena ang sasakyan ng pulis pero hirap pa rin silang makalusot sa traffic.

Matapos ang 30 minuto, nakarating sila sa labas ng ospital sa Lapu-Lapu City pero hindi na kinaya ng ina.

Nagdesisyon si Tejano, na isa ring nurse, na tulungan na lang ang ina na ilabas ang bata.

Ayon kay Tejano, hindi na niya nakuha ang pangalan ng babae pero ang mahalaga ay ligtas itong nakapanganak. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.