SAPUL SA VIDEO: Pagguho ng lupa sa Benguet

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2018 10:00 PM

Isang residente ang nakakuha ng video ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Buguias sa Benget.

Sa video na ipinost ni Kersee Sanggoy Masillem sa Facebook nitong Linggo, makikita ang pagguho ng lupa.

Nakasakay siya sa mini-bus nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Masillem, sinubukan ng drayber ng bus na umatras ngunit nahirapan ito dahil may mga sasakyan sa likod.

 

Ayon sa Department of Public Works and Highways Benguet, nabuksan na ang kalsada sa Man-Asok sa Buguias nitong Lunes.

Pero pinaalalahanan ng awtoridad ang mga motorista na bigyan ng isang metrong palugit ang mga kaharap na sasakyan para madaling makaalis sakaling may biglaang pagguhong mangyari.

Sa ngayon, 28 pang kalsada sa rehiyon ang sarado dahil sa pagguho ng lupa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.