TINGNAN: Halloween costume ng magkapatid patok sa netizens

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 05:28 PM | Updated as of Oct 30 2018 08:09 PM

 

Kapuwa nakakikilabot at nakakaaliw sa ka-cute-an ang magkapatid na piniling magbihis bilang butcher o matador at pugot para sa Halloween.

Sa video na ibinahagi ni Krystel Hwang, mapapanood ang kaniyang mga anak na sina Maya, 2, at Charlie, 6, na nagti-trick-or-treat sa kanilang subdvision sa Parañaque.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video mula kay Krystel Hwang

Ayon kay Hwang, "tandem" ang kaniyang mga anak sa kanilang costume dahil ginagampanan daw ni Charlie ang papel ng butcher na nag-alis sa ulo ni Maya.

Nag-post din si Hwang sa Facebook ng video ng kaniyang mga anak, na umani ng libo-libong reactions, comments at shares mula sa netizens.

Ang trick-or-treat ay isang nakagawian tuwing Halloween kung saan nagsusuot ng mga costume ang mga bata at nagbabahay-bahay para manghingi ng mga token, kadalasan ay mga kendi. ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.