Gaano kaliit ang tsansang manalo sa UltraLotto 6/58? Math teacher, may paliwanag

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 01:00 AM | Updated as of Oct 14 2018 01:10 AM

Ubod ng liit ang tsansa ng isang taong manalo sa UltraLotto 6/58, paliwanag ng isang math teacher. File/Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA —Ubod ng liit ang tsansa ng isang taong manalo sa UltraLotto 6/58, paliwanag ng isang math teacher.

Sa isang panayam kay Kier Baugbog sa DZMM ngayong Sabado, nasa 0.00000247 percent ang tsansa ng isang tumataya sa lotto para makuha ang mahigit P1-bilyong jackpot prize sa UltraLotto.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dagdag pa niya, mayroong 40,475,358 na kombinasiyon na maaaring mabola sa UltraLotto.

"Ang tsansa mo ay 0.00000247063 percent," ani Baugbog.

Ayon kay Baugbog, mas mataas pa ang tsansa ng isang tao na matamaan ng kidlat kaysa manalo so lotto.

"Maikukumpara natin 'yan sa kumbaga, mas malaki pa 'yung tsansa mo na matamaan ka ng kidlat kaysa manalo ng lotto," aniya.

"Mas malaki pa 'yung tsansa mo na makasalubong 'yung crush mo dito sa Luzon kaysa manalo ng lotto."

Nitong Biyernes, umabot na sa P1,112,647,388 ang premyo sa UltraLotto 6/58. Ito na ang pinakamalaking premyo sa lotto sa kasaysayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.