VIRAL: Guwardiya, mga batang 'nagnakaw,' nagpang-abot

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2018 07:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-viral sa social media ang video ng away sa pagitan ng isang security guard at grupo ng mga bata na nahuli umanong nagnakaw sa isang convenience store ng isang hotel sa Palawan noong gabi ng Sabado.

Sa video na in-upload ni Grace Ybañez, mapapanood na marahas na nagpupumiglas at nanuntok pa ang isa sa mga batang sinita at hinuli ng guwardiya.

Nakigulo at nakisuntok din ang mga kasama niyang bata rin.

Kuwento ni Ybañez, umaga pa lang ay nakita na nila ang grupo na umaaligid sa convenience store.

Bumalik daw ang mga ito noong gabi at saka sila naaktuhan ng guwardiya na nagbulsa ng biskuwit.

Matapos kapkapan at bawiin ang kinuha, pinakawalan din ng guwardiya ang mga bata. Pero bumalik ang mga ito at hinamon ang guwardiya bago tuluyang tumakbo paalis.

Ayon pa kay Ybañez, nahuli rin ng mga pulis ang dalawang bata noon ding gabi ng Sabado at ibinigay ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.