PANOORIN: Mga eksena sa 'masayang libing' ng lola sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 10:06 PM | Updated as of Sep 22 2018 12:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Imbes na lungkot at iyakan, masayang kantahan at sayawan ang naging eksena sa libing ng isang lola sa Pampanga.

Bago umano mamatay si lola Lourdes, binilin niya sa kaniyang mga pamilya’t kaanak na huwag malungkot sa kaniyang pagpanaw.

Kaya hiniling ng pamilya ng namatayan sa punerarya na huwag magpatugtog ng malulungkot na kanta sa libing nito. 

Sa kuhang video, makikitang umiindak ang mga nagmamaneho ng karong karga ang mga labi ni Lourdes. 

Makikita rin ang pag-indak ng mga napapadaan na tricycle drivers at manonood. 

“Sabi niya pag namatay ako walang iiyak, gusto ko masaya sabi niya, kaya ginawa nung anak niya 'yung balikbayang nasa Canada, ganun ang ginawa nila may musiko at banda at saka may kumakanta live,” kuwento ng kamag-anak ng lola na si Anabel Guevarra. 

Kasama sa mga kantang tinugtog ang “Totoy Bibo," “Bulaklak," at ilan pang international na kanta na ni-request ng namatayang pamilya.

Para sa singer ng punerarya na si Jennary Perez, mas magandang nakikitang masaya ang mga dumalo sa libing. 

“Experience ko po na mas OK po na nakikita naming masaya sila kaysa dun sa malungkot kasi minsan dala nga po ng emotion nila emosyonal sila tapos kakantahan pa namin sila ng malungkot 'yung iba nahihimatay,” aniya.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.