PANOORIN: Leon sa Manila Zoo, nangingisay

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 09:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-viral nitong weekend ang video ng isang leon sa Manila Zoo na nangingisay sa kaniyang kulungan. 

Sa viral na kuhang video ni Mark Lee, makikita ang pangingisay ng 5 taong gulang na leon na si Rapee, kung saan iginiit ng nag-upload na “malnourished”, at maaring pang nakakuha ito ng canine distemper disease, isang malubha at nakakahawang karamdaman ng ilang uri ng hayop. 

Pero ayon kay Manila Zoo Zoological chief Patrick Domingo, hindi pa nila makumpirma kung seizure ang nangyari sa leon. 

“We are not discounting na gano'n ang nangyari sa kanya, pero posibleng dahil sa stress at dulot sa climate o sa bagyong Ompong,” paliwanag niya. 

Giit pa ni Manila Zoo public relations chief Jasyrr Garcia na pinapakain nila nang maayos ang kanilang mga hayop kaya malabo umano ang komento ng netizen na malnourished ang mga ito. 

Dismayado naman si Philippine Animal Welfare Society executive director Anna Cabrera sa insidente. 

"Hinintay pa nila maging viral... They should be on top of the situation," aniya sa panayam sa telepono. 

Kasalukuyang naka-quarantine si Rapee at hindi nakahalo sa iba pang hayop. 

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.