Nag-'In My Feelings challenge' sa Kamuning flyover, pinalalantad

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 08:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinalalantad nitong Huwebes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorista at pasahero nitong nagsagawa ng "In My Feelings" dance challenge sa ibabaw ng Kamuning flyover sa Quezon City.

Sa video na kumalat sa social media, mapapanood ang isang babae na bumaba sa sasakyan at sumayaw sa harap ng kotse na patuloy na minamaneho ng kaniyang kasamahang kumukuha rin ng video.

"Magpunta ka rito, humingi ka ng paumanhin. Sabihin mo sa buong madla na huwag kang gayahin," ani MMDA general manager Jojo Garcia.

Ayon sa MMDA, nahaharap ang babae at driver sa kasong jaywalking obstruction. May karagdagang reklamong reckless driving naman ang driver.

Dati nang ipinagbawal ng MMDA ang dance challenge dahil lubha umano itong mapanganib.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.