Netizens, sagana sa reaction sa SONA, 'kudeta' sa Kamara

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 11:36 PM | Updated as of Jul 24 2019 12:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakagugulantang ang mga sumunod na pangyayari matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng hapon. 

Kaya't di maiiwasan na halo-halo ang naging reaksiyon ng mga netizens sa social media matapos nito. 

Lumabas ang pagiging malikhain ng ilang mga netizen na nagpahayag ng kanilang mga reaksiyon sa mga sinabi ng pangulo sa kaniyang talumpati. 

Bago nito, matindi na ang naging reaksiyon ng mga netizens sa mga pangyayari. 

May mga nag-react sa mga damit ng mga politiko simula pa lamang Lunes ng umaga. 

Mayroon ding mga malikhaing nag-react sa biglaang pagkakaluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang speaker ng Kamara. 

Samantala, may mga nag-react din sa kalagitnaan ng speech ng Pangulo. 

At may iilang humugot ng kanilang true-to-life na hinaing tungkol sa paghingi ng papel. 

May mga bumatikos din sa talumpati ng pangulo dahil "kulang" at "malabo" raw ang mga pinagsasabi ni Duterte sa kaniyang halos 50 minutong habang talumpati. 

Ngunit may iilan ding nagsabi na dapat ding tingnan ang mga magagandang nagawa ng pangulo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.