TINGNAN: Alagang baboy, mistulang miyembro ng pamilya

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 08:06 PM | Updated as of Dec 20 2018 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mistulang miyembro na ng pamilya ang isang baboy sa Davao City.

Sa halip na sa kural, natutulog sa sala at pagala-gala rin sa loob ng bahay ng pamilya Andrade ang kanilang alagang baboy na si I-gat.

Naglalaan pa sila ng P150 na budget kada araw para sa pagkain ni I-gat.

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Paboritong kainin ni I-gat ang kaning may ulam na paksiw.

Kapag nag-merienda rin ang mga bata, kasabay nila si I-gat sa pagkain ng biskuwit at soft drinks.

Kapag naiinitan daw si I-gat, nariyang kumakain ito ng ice candy at nagbubukas pa ng ref para magpalamig.

Gustong-gusto rin daw ng alagang baboy kapag pinapaliguan ng pamilya.

Ilang beses nang sinubukang bilhin si I-gat ngunit di ito pinagbibili ng kaniyang amo.

Isang buwang gulang pa lang na biik si I-gat nang mabili. Mula Samal sa Davao del Norte si I-gat na napaso pa sa likuran kaya't muntik mamatay noon.

Walong buwang gulang na ngayon ang alagang baboy na ayaw nang katayin ng pamilyang bumili sa kaniya.

Sikat na rin sa social media si I-gat na pumapalo na sa higit dalawang milyon ang views sa video na ini-upload ng isang miyembro ng pamilya Andrade sa Facebook. -- Ulat nina Marc Logan at Rodirey Salas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.