TINGNAN: Nakatutuwang meme ng 'snow' sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2019 09:51 AM

DAVAO CITY - Dahil marami ang nakararanas ng malamig na panahon mula noong nakaraang linggo, kumakalat ngayon sa social media ang mga edited na larawan at video ng mga lugar dito sa lungsod kung saan tila may snow.

May iba-ibang bersiyon ng mga retrato at may video ng “snowfall” sa downtown area na tila kuha ng dashcam.

 

Mayroon ding naglagay ng malaking bundok na puno ng snow sa likod ng City Hall at ng daungan ng barge sa Samal Island.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sara Z. Duterte (@indaysaraduterte) on

Mas naaliw ang mga netizen nang makisali si Mayor Sara Duterte-Carpio at mag-post sa kaniyang Instagram account ng larawan niya na nakasuot ng pang-winter sa harapan ng City Hall habang umuulan rin ng snow.

Ayon sa weather bureau PAGASA, hatid ng hanging amihan ang malamig na panahon na nararanasan sa Mindanao. Tatagal pa ito hanggang ngayong buwan ng Pebrero.

Naitala ang pinakamababang temperatura sa Davao City noong Enero 26 na umabot sa 22 degrees Celsius na dala naman ng tail end of a cold front.

May kumalat din sa social media na mga edited na larawan ng mga lugar sa Laguna kung saan tila umuulan ng yelo at napapalibutan ng mga alpine mountain ang mga bayan.

Paglilinaw ng PAGASA, imposible na magka-snow sa Pilipinas dahil dalawang season lang—wet and dry--ang nararanasan sa bansa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.