Kahit Pasko, Pacquiao subsob sa pag-ensayo kontra Adrien Broner

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2018 08:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahimbing pa man ang tulog ng karamihan noong Pasko ay puspusan ang training ni Manny Pacquiao para sa bakbakan nila ng American boxer na si Adrien Broner. 

Maaga pa lang, nag-jogging na si Pacquiao at ng kaniyang sparring mates sa California. 

Matapos nito ay nagpalitan sila ng mga suntok sa ring ng kaniyang mga sparring mates. 

Ikinatuwa ni Lydell Rhodes, sparring partner ni Pacquiao, ang energy ng eight-division champion sa pag-ensayo. 

"It's the same energy. Same smiles all fun but i know it's going to end in the ring," ani Rhodes. 

Pero kahit nag-eensayo sa mismong araw ng Pasko ay nakakasama pa rin ng boksingero ang kaniyang pamilya. 

"They're enjoying here in the [United States], spending time with us the whole family, until January," ani Pacquiao. 

Nais alagaan ni Pacquiao ang kaniyang 60-7-2 win-loss-draw record kontra Broner sa bakbakan sa Enero 19 sa Las Vegas. 

Ito ang unang laban ni Pacquiao sa Estados Unidos matapos ang 2 taon. —Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.