PBA: Brownlee ng Ginebra sabik maging kampeong muli

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2019 07:01 PM

Gustong makabalik ni Justin Brownlee sa finals. PBA Media Bureau


MAYNILA -- Nami-miss na raw ng Ginebra import na si Justin Brownlee ang maging kampeon sa PBA.

Kaya naman gusto na nilang tuldukan ang kanilang semifinal series laban sa NorthPort para marating nilang muli ang finals. 

“It’s been over [a year] since we’ve been in the finals. Coach was preaching that to us, everbody wants to feel that, just playing in the finals and having an opportunity to win a championship,” ani Brownlee sa artikulong lumabas sa ABS-CBN Sports

Kasalukuyang nangunguna sa best-of-5 semis series ang Gin Kings, 2-1, laban sa Batang Pier. Isang panalo na lang ang kanilang kailangan para marating ang finals.

“Getting there just feels great,” ani Brownlee.

“We just want to feel that feeling and hopefully, we have a greater feeling after the finals.”

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.