SEA Games: Philippine archery team kumpiyansang makaka-gold

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 06:28 AM | Updated as of Dec 06 2019 07:04 AM

Gracie Rutao, ABS-CBN News

PAMPANGA—Tiwala ang Philippine archers team na kaya nilang makakuha ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Pormal nang inumpisahan ang qualification round para sa larong archery sa Clark Parade Grounds.

Ang mag-asawang sina Paul at Rachelle Anne Dela Cruz, parehong pasok sa qualifying round.

Top 4 si Paul sa individual compound men's qualifiers habang top 11 naman si Rachelle Anne sa individual compound women's qualifiers.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong Biyernes magaganap ang elimination at quarterfinals at kumpiyansa ang mag-asawa at ang buong Philippine team na mangingibabaw ang galing ng Pinoy.

"Homecourt natin ito. Marami tayong cheerer siguro. Makakadagdag po iyon para ma-boost 'yong aming morale... Malaki ang chance natin na makakuha ng gintong medalya," ani Paul.

Huling nakakuha ng gintong medalya ang Philippine archers team noong 27th SEA Games na ginanap sa Myanmar. Kabilang sa mga mahigpit na kalaban ng Pilipinas sa archery ay ang Malaysia, Vietnam at Singapore.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.