SEA Games: Mary Joy Tabal pursigidong depensahan ang gold sa marathon

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 08:09 PM | Updated as of Nov 20 2019 08:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos makamit ni Mary Joy Tabal ang kauna-unahang gold medal para sa marathon sa Pilipinas noong nakaraang Southeast Asian Games, plano ngayon ng atleta na depensahan ang kaniyang titulo sa nalalapit na pag-host ng Pilipinas sa palaro. 

Pursigidong nag-train si Tabal, na sinamahan ng 10 linggong training sa Nippon Sports Science University sa Yokohama, Japan. 

Matapos ang gold medal finish sa 2017 SEA Games, determinadong ulitin ni Tabal ang kaniyang tagumpay. 

"I would rather say I'm ready than saying I'm confident parang two meaning kasi eh ang sa'kin I'm ready cos I'm training hard for this eh alam ko ang kondisyon ko," ani Tabal. 

Binigyang-pansin din sa training ang pagpaparekober ng kaniyang mga paa matapos tumakbo nang matagal. 

Sabik si Tabal ngayong sa Pilipinas gaganapin ang SEA Games. 

Pero tingin niyang may "pressure" pa ring manalo.

Hamon din aniya ang start time ng marathon dahil sa mainit na panahon. 

"Ang concern ko kasi weather kasi ay malaking factor sa perfomance natin sa endurance sport, then later part tapos sa Clark pa sobrang init," ani Tabal. 

Sa Disyembre 6 gaganapin ang marathon sports sa ika-30 SEA Games sa New Clark City. -- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games