PBA: Well-deserved ng Magnolia ang finals seat, ani Cone

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 01:17 AM

Tinaggap naman ni Tim Cone ang pagkatalo ng Barangay Ginebra. Richard Esguerra, ABS-CBN Sports

Well-deserved ang pagkapanalo ng Magnolia kontra Barangay Ginebra sa kanilang highly emotional na banggaan sa PBA Governors Cup semifinals, ayon kay coach Tim Cone.

"They deserved it. They certainly deserved it. They outplayed us from the first minutes of the series all the way through," ani Cone sa ABS-CBN Sports matapos silang magupo ng Hotshots sa Game 4, 112-108.

Dahil dito ay natuldukan na ang best-of-5 series pabor sa Magnolia, 3-1, at natapos ang dalawang taong pamamayani ng ginebra sa Governors Cup.

Nagawa ito ng Magnolia kahit pa may iniindang hamstring injury ang kanilang import na si Romeo Travis. Tumabo ng 50 points ang import at 21 points nito ay ibinuhos niya noong kainitan ng fourth quarter.

"They played great. We were on fumes down the stretch. In the fourth quarter, our guys were tired. We had and had spent a lot of energy coming back in the game before," pagaamin ni Cone.

"And we just lacked legs. And we made a couple of errors down the stretch. And they made free throws, that was it. That's the story."

Binati ni Cone si Magnolia coach Chito Victolero sa galing magdala ng team. 

"Their coach was awesome. He coached a great, great series. We just came up short. We'll move forward, move on from it. Hopefully we'll use it as motivation going to the next conference. But they outplayed us."

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.