UAAP: Ateneo wagi kontra UST sa Game 1 ng men's basketball finals

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 07:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dinomina ng defending champion na Ateneo de Manila University Blue Eagles ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 91-77, sa Game 1 ng UAAP Season 82 finals nitong Sabado.

Sinubukan pang humabol ng UST sa 4th quarter pero sa huli, nanalo pa rin ang Ateneo.

Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang Ateneo matapos magpakawala ng 32 puntos, na kaniyang season high.

Hindi naman naging sapat ang career high na 26 points ng UAAP Rookie of the Year na si Mark Nonoy para maiangat ang UST sa laro.

Maghaharap muli ang 2 koponan sa Mall of Asia Arena para sa Game 2 sa Miyerkoles, Nobyembre 20.

Sakaling manalo ang Ateneo, sila na ang itatanghal na kampeon at makakamit nila ang three-peat titles.

Kapag nanalo ang UST, magkakaroon pa ng isang do-or-die match up.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.