PBA: Calvin Abueva nag-sorry sa kaniyang mga ‘nasagasaan’ sa liga

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 06:48 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by calvin thebeast abueva (@abuevacalvinthebeast) on

Makalipas ang 4 na buwan mula nang siya ay patawan ng indefinite suspension ng PBA, naglabas na rin ng public apology ang star forward ng Phoenix Pulse na si Calvin Abueva.

Sa isang Instagram post, nag-sorry si Abueva sa lahat ng kaniyang mga umano’y “nasagasaan” sa liga.
 
“Ako po ay humihingi ng paumanhin sa mga mga nagawa ko po sa PBA. At sa Talk 'N Text, Talk 'N Text fans sa Phoenix Fuel Masters management at sa Phoenix fans at lalo sa po sa board of governors, kay Commissioner Willie Marcial, kay Bobby Ray Parks kay Mikee Rivera and then sa PBA family,” aniya.

Matatandaang pinatawan ng indefinite ban si “The Beast” noong Hunyo 4 matapos ang girian nila ni TNT import Terrence Jones noong Commissioner’s Cup. 

Bago pa iyon, nakipagsagutan din siya sa isang basketball fan na girlfriend pala ni Parks na si Rivera.

Dahil sa mga nangyari, pinagbayad ng liga si Abueva ng P70,000 fine, na nahahati sa P50,000 dahil sa kaniyang pag-clothesline kay Jones at P20,000 sa pakikipagtalo sa PBA officials.

Lalo pang nadagdagan ang kanyang sakit ng ulo noong nagpalabas ng hinaing ang kanyang asawa sa social media at noong mahuli siyang lumaro sa ligang labas.

“Ako po ay humihingi ng dispensa sa mga nagawa ko po . . . Sana ay pagbigyan nyo pa po ako. Salamat po,” ani Abueva.

Hindi pa masabi kung ang apology ay siyang magbibigay daan ng kanyang pagbabalik sa PBA.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.