LeBron nagbigay-pugay kay coach Spo bago ang pagtutuos sa NBA Finals

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2020 12:31 AM | Updated as of Oct 01 2020 06:25 PM

MAYNILA — Para sa ilan, ang championship sa NBA ay nakasalalay lamang sa bilang ng maituturing na "superstar" players sa isang koponan. 

Pero para kay LeBron James ng Los Angeles Lakers, hindi ganito ang kaniyang pananaw, lalo't naranasan niya ang mahusay na pag-coach ni Erik Spoelstra noong nasa Miami Heat pa siya.

"Players and the coaches know how great Spo is. There's this narrative that Spo's not great, the narrative that he's not getting a lot of respect, which he should. He prepares his team every single night," ani James sa isang press conference bago ang 2020 NBA Finals.

"I'm not gonna sit up here and act like I don't know what Spo is all about coz i know he's damn good, if not great. He probably is great," dagdag ng Lakers player.

Sa Finals ay makakaharap niya muli si Spoelstra pero bilang katunggali na dahil ang koponang Miami Heat ang katunggali nila.

Sabi ni James, metikuloso si Spoelstra sa pagpaplano ng bawat laro. Ito ang dahilan kung bakit nasungkit nila ang back-to-back championship noong kasagsagan ng "Big 3 era."

"If you just watch the Miami Heat, no matter who's on the floor they're gonna play Heat culture, they're gonna play hard, play together," sabi ni James.

Ito na ang ika-5 pagtuntong ni Spoelstra sa NBA Finals, at balak niyang mabigyan muli ng championship ang Miami, na huli nitong natikman noong nasa koponan pa sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.