ALAMIN: Workout na ginagawa sa 'playground'

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 12:44 AM

Masusubok ang tibay sa 'playground' workout

Nauuso ngayon ang isang workout na bukod sa may benepisyo sa katawan at kalusugan, para ring naglalaro lang dahil ginagawa ito sa malaking 'playground'

Ang obstacle course racing ay isang endurance sport na pinaghalong disiplina ng iba pang exercises gaya ng running, crossfit, body weight exercises at high intensity exercises.

Nasa 30 hanggang 45 minuto ang tagal ng bawat workout at kasama na rito ang warm-up.

"Ang requirement, isa sa pinaka-importanteng requirement sa obstacle sports race is kaya mong buhatin ‘yong sarili mong katawan," ani Jay Lim, obstacle course racing specialist.

Mukha mang mahirap, hindi naman dapat matakot ang mga gustong sumabak sa obstacle course racing dahil may mga programa para sa beginners na magtuturo ng mga technique sa bawat obstacle.

Dahil sa patuloy na paglaki ng obstacle sports sa bansa, siniguro ng Pilipinas Obstacle Sports Federation na marami ang nakapilang events para lalong mapalawak at mas marami pa ang makiisa rito sa bansa.

-- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.