Hidilyn Diaz nagwagi ng bronze sa World Weightlifting Championship

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 07:57 PM

MANILA - Nakamit ni Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz ang bronze medal sa ginanap na 2019 World Weightlifting Championship sa Pattaya, Thailand.

Matapos magtala ng 93 kilogramo sa snatch category, nagtala ng 121 kilogramo sa clean and jerk category si Diaz para makahabol sa bronze medal.

Nagkampeon naman ang Chinese weightlifter na si Liao Qiuyun, habang silver ang nakuha ng kababayan niyang si Zhang Wangiong.

Sa kaniyang Twitter account, pinasalamatan ni Diaz ang kaniyang mga magulang at mga nagdasal para sa kaniya.

Ito na ang ikatlong bronze medal ni Diaz sa naturang paligsahan na una niya ring kinuha noong 2015 at 2017.

Naka-gold medal naman si Diaz sa Asian Games noong 2018.

Umaasa si Diaz na makakapasok siya sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.